Home METRO Lolo dedo sa tama ng baril sa Quezon

Lolo dedo sa tama ng baril sa Quezon

212
0

QUEZON, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang 75 anyos na lolo na may tama ng bala sa katawan kahapon sa bulubundukin ng Sitio Balikbalik, Barangay Pinagtubigan, Este Perez, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas Cesar, 75, may-asawa, farmer, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing lugar, dakong alas- 9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na hinihinalang itinapon sa nasabing lugar, matapos itong paslangin ng mga hindi nakikilalang salarin.

Ang biktima na nakasuot ng kulay pulang long sleeve shirt, blue short pants, at rubber boots kung saan may tama ng baril sa parte ng katawan ito.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy at madakip ang mga taong responsable sa pagpatay sa biktima kung saan nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng SOCO sa naturan lugar. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here