Home HOME BANNER STORY Aghon nagdulot ng P365M infra damage

Aghon nagdulot ng P365M infra damage

MANILA, Phiippines- Nag-iwan si Bagyong Aghon ng pinsala sa imprastraktura na pumalo sa P365,470,000, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Sa pinakabagong situational report, hindi bababa sa 47 imprastraktura ang napinsala sa Calabarzon, partikular sa Batangas at Quezon Province. Kabilang sa mga napinsalang imprastraktura ang mga kalsada at tulay.

Sinabi ng NDRRMC na mayroong 22 bahay sa Eastern Visayas na nawasak ng bagyo.

Samantala, nananatili ang halaga ng agricultural damage sa P21,651,548.

Gayundin, sinabi ng NDRRMC na ang bilang ng mga apektadong indibidwal ay 51,858, o 16,404 pamilya.

Anim naman ang nasawi habang walo ang sugatan.

Lumabas si Aghon ng Philippine Area of Responsibility noong Miyerkules. RNT/SA