Home ENTERTAINMENT Agot, may hanash sa Phil sports, sinupalpal!

Agot, may hanash sa Phil sports, sinupalpal!

Manila, Philippines – Sobrang proud si Agot isidro sa na-achieve ni Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gold sa Paris Olympics.

Katunayan, kinongratulate niya ang gymnast sa kanyang X social media account.

Dahil napansin niya na ang mga nagbibigay ng gold at silver medals sa bansa ay galing sa larangan ng gymnastics, boxing at weightlifting, kinuha niya ang pulso ng kanyang followers.

Tanong niya: “So puede na ba natin bawasan ang sponsorship at funding ng basketball at idagdag na lang sa gymnastics, boxing, weightlifting ? Agree or Disagree?”

Umani naman ito ng samu’t- saring reaksyon sa X socmed users.

May mga agree at meron din namang di sang-ayon sa kanyang naisip.

Ito ang ilan sa mga komento sa kanyang suhestiyon.

“This is a dumb take. Bball and Vball have sponsors kasi andun mga viewers. Ang gymnastics ba marami viewers prior to Yulo winning? It’s not a spectacle sport kaya hindi. Ikaw ba nanonood talaga ng gymnastics?”

“I agree. Sa basketball wala talaga tayong chance manalo sa Olympics. Better focus tayo sa may competitive edge tayo.”

“Super agree! Tigilan na yang basketball na yan.”

“We can uplift all kinds of sports without degrading, one which has the highest market value and may napatunayan din naman.”

Sinundan pa ito ng isa pang post kung saan nagtanong siya kung may public gym ang bawat bayan sa bansa.

Inurirat din niya kung meron pang Palarong Pambansa, kung saan sinopla siya ng ibang netizens.

Sey niya: “Dami palang triggered. Sahree naman. Nagtanong lang. Eto na lang. Can we agree to have a public gymnasium built for every municipality? Meron pa bang Palarong Pambansa?”

Ito ang ilang panonopla sa kanya ng kanyang bashers.

“Make yourself informed, katatapos lang ng Palarong Pambansa 3 weeks ago. Bukod sa playing area, palagay ko kailangan i-build up yung interest from ground up ng ibang sports. Yung basketball sobrang accessible, yung gymnastics taas ng risk ng injury kapag bata at walang guide.”

“Next time kasi google muna or ask someone na may alam sa part nung titirahin nyo.”

“Meron pa bang palarong pambasa? See! Walang alam sa sports ito?”

“knowledge is power but sometimes tanga tangahan lang ba or mas mabilis lang ang pagdating sa information sa politika? Jusko.” Archie Liao