MANILA, Philippines- Itinakda ng Senado sa Agosto 13 ang isasagawang imbestiasyon sa oil spill sa paglubog ng MT Terranova malapit sa Limay, Bataan nitong Hulyo 25.
“The Senate inquiry on the massive oil spill caused by the ill-fated M/T Terranova will push through on August 13,” ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino.
Naunang inihain ni Tolentino ang panukalang Senate Resolution 1084 na humiling sa Senate committee on environment, natural resources, and climate change na iimbestigahan ang oil spill.
Tinukoy ng senador sa resolusyon na nagbigay ng matinding banta ang oil spill sa marine ecosystem coastal communities, at livelihood sources sa lalawigan ng Bataan, Cavite, Nasugbu sa Batangas, at Bulacan, kabilang ang Manila Bay.
“These environmental disasters severely impact the livelihood sources of many fisherfolk to a loss of income and contributing somewhat to sustainability of our food security,” ayon sa resolusyon.
“Proactive measures must be undertaken to protect the affected communities, particularly the fishermen whose means of livelihood depend on the health and sustainability of the marine environment,” dagdag sa dokumento.
Bukod sa MT Terranova na naglalaman ng 1.4 milyong litro ng industrial oil nang lumubog sa karagatan malapit sa Limay sa Bataan noong Hulyo 25, lumubog din ang MTKR Jason Bradley malapit sa lugar ng Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Naglalaman ang MT Jason Bradley ng 5,500 litro ng diesel.
Samantala, sumadsad naman ang MV Mirola noong Hulyo 31 sa karagatan ng Sitio Quiapo, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.
Nasa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Bataan nang bayuhin ito ng bagyong Carina kamakailan. Ernie Reyes