Home ENTERTAINMENT Agot, sinabing ‘mahina ang ulo’ ni Robin!

Agot, sinabing ‘mahina ang ulo’ ni Robin!

51
0

Manila, Philippines – Nasa katwiran si Agot Isidro kaya never siyang nangiming ilabas ang kanyang saloobin even if it involves a colleague tulad ni Sen. Robin Padilla.

Sa bibig na mismo ni Robin nanggaling na nakisabay sa kanya ang kapwa senador na si Bato de la Rosa: “Alangan namang tanggihan ko ‘yon? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang siya sa Senado ni Sen. Alan Peter Cayetano.”

Hindi naman pinalampas ni Agot ang “excuse” ng aktor-pulitiko.

Sagot ng singer-actress: “Sa hina ng ulo mong ‘yan, sa tingin mo, mauuto mo kami?!”

Hindi nagpakabog si Pokwang na meron ding reaksyon.

Sey ng komedyana: “Ipinasyal lang n’yo po. Kasi sa tagal na ‘di na pumapasok sa Senado ni Bato, baka nakalimutan na niya ang pasikut-sikot kaya nag-tour lang po sila.

“Huwag po tayong mapagbintang!”

Padama lang ba ito, as in may mga sumunod pa kaya kina Agot at Pokwang na may sey din sa ginawang “kabutihan” sa kabaro?

Napag-usapan din lang si Agot–may birthday concert siya sa July 17 sa Maybank Performing Arts Theatre titled The Story of A.l.

Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Rowell Santiago.

For sure, “Boycott!” ang sigaw ng mga DDS led by Robin! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here