Home HOME BANNER STORY Agri damage dulot ng El Niño sumampa sa P5.9B

Agri damage dulot ng El Niño sumampa sa P5.9B

MANILA, Philippines- Nagdulot na ang El Niño phenomenon ng tinatayang P5.9 bilyong pinsala sa Philippine agriculture, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes.

“Iyong latest damage natin as of end of April per Bulletin No. 9 ng DA, ang damage is already PHP5.9 billion, pinakamalaki pa rin is sa rice sector (As per Bulletin No. 9, the damage is already at PHP5.9 billion as of end of April, with the rice sector incurring the biggest damage) at PHP3.1 billion,” pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam.

Sinundan ito ng production loss sa mais na nagkakahalaga ng P1.76 bilyon at high-value crops sa tinatayang P958 milyon.

Inihayag ni De Mesa na nananatili ang Mimaropa region na pinakaapektadong lugar sa bansa sa P1.71 bilyon, sinundan ng Region 6 (Western Visayas) sa P1.5 bilyon, Cordilleras sa P768 milyon, at Cagayan Valley sa P562 milyon.

Subalit, iginiit niyang ang 58,000 ektarya ng rice production area na napinsala ay 2.27 porsyento lamang ng kabuuang lupain na may tanim na palay, na halos 2 milyong ektarya.

Samantala, namahagi naman ang DA P2.18 bilyong tulong sa mga magsasaka at mangingisda upang ibsan ang epekto ng tagtuyot. RNT/SA