Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga lugar na sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Mayo 2

ALAMIN: Mga lugar na sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Mayo 2

MANILA, Philippines- Umakyat ang heat index sa bansa sa 42 hanggang 48 degrees Celsius nitong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Batay sa computed heat index ng state weather bureau hanggang nitong Mayo 2, alas-5 ng hapon, naitala ang heat indices sa ilalim ng “danger” category sa mga sumusunod na lugar:

48 degree Celsius

  • Dagupan City, Pangasinan

  • Appari, Cagayan

46 degree Celsius

  • Roxas City, Capiz

45 degree Celsius

  • Laoag City, Ilocos Norte

  • Cuyo, Palawan

44 degree Celsius

  • Iba, Zambales

  • Dumangas, Iloilo

  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur

43 degree Celsius

  • Tuguegarao City, Cagayan

  • San Jose, Occidental Mindoro

  • Puerto Princesa City, Palawan

  • Virac (Synop), Catanduanes

42 degree Celsius

  • MMSU in Batac, Ilocos Norte

  • Casiguran, Aurora

  • Cubi Point in Subic Bay, Olongapo City

  • Infanta, Quezon

  • Coron, Palawan

  • Aborlan, Palawan

  • Masbate City, Masbate

  • Catbalogan, Samar

  • Borongan, Eastern Samar

  • Davao City, Davao del Sur

  • Cotabato City, Maguindanao

Batay sa Pagasa, ang heat index ay ang “measure of the contribution that high humidity makes with abnormally high temperatures in reducing the body’s ability to cool itself.”

Napapailalim ang heat indices mula 42 hanggang 51 degrees Celsius sa “danger” category.

Nahaharap ang mga indibidwal na nalalantad sa ganitong heat indices sa banta ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke kung patuloy ang exposure.

Nagpaalala naman ang Pagasa sa publiko na limitahan ang outdoor activities; uminom ng maraming tubig; gumamit ng payong, magsuot ng sumbrero, at magsuot ng mga kasuotang may manggas tuwing lalabas; at itakda ang heavy-duty activities sa mas maaliwalas na panahon. RNT/SA