Home NATIONWIDE  Agri losses sa hagupit ni Ferdie, ‘habagat’ sumampa sa P107M

 Agri losses sa hagupit ni Ferdie, ‘habagat’ sumampa sa P107M

MANILA, Philippines- Umabot na ang pinsala sa agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng enhanced southwest monsoon at Tropical Cyclone Ferdie sa P107.42 milyon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“Based on the initial assessment of DA Regional Field Offices (RFO) in Mimaropa, Western Visayas, and Zamboanga Peninsula on the combined effects of the Southwest Monsoon enhanced by Tropical Cyclone Ferdie, which exited the Philippine Area of Responsibility (PAR) on September 14, damage and losses have been reported on rice, corn, high-value crops, and livestock,” pahayag ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center nitong Miyerkules.

Halos 4,749 metric tons (MT) ng volume loss ang natamo, na nakaapekto sa 1,327 magsasaka sa bansa.

Naitala ang pinakamalaking halaga ng pinsala sa rice production sa halos 4,340 MT na nagkakahalaga ng P98.34 milyon, sa Palawan.

Iniulat din ng DA-DRRM ang pinsala sa corn production na nagkakahalaga ng P6.06 milyon; sa high-value crops sa P2.99 milyon; at P29,000 para sa livestock at poultry.

Samantala, hindi pa naiuulat ang pinsala at pagkalugi mula sa Tropical Cyclones Gener at Helen, batay sa DA-DRRM.

Tiniyak naman ng DA ang distribusyon ng rice, corn, at vegetable seeds, maging bio-control measures, availability ng P25,000 interest-free at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon, at indemnification funds.

Noong Setyembre 9, nakapagtala ang DA-DRRM ng 51,728 metric tons ng volume loss sa agrikultura na nagkakahalaga ng P2.26 bilyon dahil sa Severe Tropical Storm Enteng. RNT/SA