Home NATIONWIDE Agri sec. Tiu-Laurel naghain ng cyber libel vs Co, Baligod

Agri sec. Tiu-Laurel naghain ng cyber libel vs Co, Baligod

149
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng hiwalay na cyber libel complaints si Francisco Tiu-Laurel Jr. nitong Huwebes laban sa dating mambabatas na si Zaldy Co at abogado na si Levito Baligod.

Ayon kay Tiu-Laurel, ang reklamo laban kay Baligod ay kaugnay sa mga alegasyon ng umano’y dating Marines na kinakatawan ng abogado, na nagsabing naghatid sila ng malalaking kahon ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno. Sinabi naman ni Baligod na ang pahayag ng 18 “ex-Marines” ay base sa kanilang eyewitness accounts.

Samantala, noong nakaraang taon, inakusahan ni Co si Tiu-Laurel sa umano’y iregularidad sa pag-import ng mga produkto, na sinabi ng kalihim na pawang peke at walang basehan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here