Home ENTERTAINMENT Ai Ai, ayaw nang makausap ang asawa!

Ai Ai, ayaw nang makausap ang asawa!

created by Polish

Manila, Philippines- With the new year comes a total change in one’s plans and priorities in life.

Hindi nalalayo si Ai Ai de las Alas na sinabing determinado siyang ayaw na niyang makita’t makausap ang kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.

Matatandaang itinaon ni Gerald na makipaghiwalay kay Ai Ai sa mismong 60th birthday niya noong November 11.

Nasa Amerika noon si Gerald samantalang nasa bansa ang Comedy Queen.

In her guesting on Fast Talk with Boy Abunda nitong December 30, naitanong si Ai Ai kung buhat noon ay nagkausap na sila ni Gerald.

Diretsong tugon ng komedyana: “I refused to!”

May komunikasyon lang daw si Ai Ai sa kanyang son-in-law o mula sa side ni Gerald pero direktang pakikipag-ugnayan dito’y wala.

“Ayoko na siyang makita at makausap,” tahasang sabi ni Ai Ai na ramdam ang idinulot na sama ng loob ng pakikipagkalas sa kanya.

Malakas din daw ang kutob ng komedyante na may ibang babae si Gerald.

Malaki man daw ang atraso nito sa kanya ay walang plano si Ai Ai na ipawalang-bisa ang inaplay na green card nito.

“Tulong ko na ‘yon sa kanya,” may pang-unawang paglilinaw niya.

TaĆ²ng 2017 nang ikasal sina Ai Ai at Gerald.

Pero may sampung taon din sila nagsama bago nangyari ang hiwalayan sa chat. Ronnie Carrasco III