MANILA, Philippines- Patay ang isang inmate habang dalawa ang sugatan sa insidente ng pananaksak sa loob ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP).
Iniulat ni NBP Acting Superintendent Corrections Chief Inspector Roger Boncales na naganap ang insidente kaninang alas-7:15 ng umaga sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng compound.
Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi nito ibubunyag ang pangalan ng mga sangkot na inmates dahil kailangan munang ipabatid ang pangyayari sa kani-kanilang pamilya.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang BuCor sa insidente.
Kaugnay nito, inatasan ng BuCor ang mga superintendents sa lahat ng prison at penal farms (OPPFs) na magpatupad ng mga hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong insidente. Teresa Tavares