Home LIFESTYLE Mga sanggol na ipapanganak mula 2025 ‘gang 2039 kikilalaning ‘Generation Beta’

Mga sanggol na ipapanganak mula 2025 ‘gang 2039 kikilalaning ‘Generation Beta’

MANILA, Philippines- Tatawagin ang mga sanggol na ipinanganak mula 2025 hanggang 2039 na bagong henerasyon ng Gen Beta.

Base sa ulat, sinabi ng social analyst na si Mark McCrindle na inaasahang ang Gen Beta ay magiging henerasyon na umaasa sa Artificial Intelligence (AI).

Sinabi rin ni McCrindle na pahahalagahan ng bagong henerasyong ito ang “kind human interactions and community building.”

Gayundin, lumabas sa pag-aaral ng social analyst na ang pag-uugali ng Gen Beta ay maiimpluwensyahan ng kanilang mga magulang na Millennial at Gen Z, kung saan inaasahang lilimitahan ng huli ang kanilang screen time.

“Gen Z sees the benefits of technology and screen time, but equally, they see the downsides of it and are pushing back on technology and the age at which their children access and engage with it,” ani McCrindle.

Noong Bagong Ton, ipinanganak sa iba’t ibang ospital sa Pilipinas ang Gen Beta babies, kabilang si Alea Jade, isinilang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Manila. RNT/SA