MANILA, Philippines- Nangako ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na ipagpapatuloy ang modernization efforts nito at pinagtibay ang commitment na walang kikilingan sa 2025.
Binigyang-diin ni PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mga inisyatiba ng organisasyon tulad ng deployment ng body-worn cameras, real-time crime mapping, at pinahusay na cybercrime prevention units.
“We envision a modern police force for a modern Filipino society—responsive, professional, and attuned to the times,” pahayag ni Marbil.
Samantala, binanggit ng PNP chief ang commitment ng organisasyon sa pagiging walang kinikilingan sa gitna ng tatlong eleksyong gaganapin sa susunod na taon, kabilang ang May midterm polls.
“We are a police force that prioritizes the welfare of the people, untainted by political affiliations or influences,” giit ni Marbil.
“Let us move forward into this New Year with hope and determination. The PNP is here to serve, protect, and modernize for the benefit of every Filipino,” dagdag ng opisyal. RNT/SA