MANILA, Philippines- Sinabi ng Office of the Solicitor General na kakanselahin nito lahat ng birth certificates at sasamsamin ang assets ng foreign nationals na nagtrabaho para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Inihayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi natatapos ang pagsisikap nila laban sa POGOs matapos makaalis ang foreign workers noong December 31, 2024, ang deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“The OSG’s massive post-POGO tasks will consist of cancelling all certificates of birth fraudulently acquired by aliens/foreign nationals and forfeiting their illegally acquired real properties and other assets in the Philippines,” wika ni Guevarra.
Nang tanungin kung magkano ang assets na kukumpiskahin, sinabi ni Guevarra na wala pang tiyak na halaga.
“The first order of the day is to take possession of and control over them,” ani Guevarra.
Ayon pa sa opisyal, magpapalabas ang OSG ng estimated amount ng “fraudulently acquired” assets ng foreign POGO workers sa lalong madaling panahon. RNT/SA