Home ENTERTAINMENT Ai Ai, di na interesado sa ‘kabit’ ni Gerald!

Ai Ai, di na interesado sa ‘kabit’ ni Gerald!

0
Ai Ai, di na interesado sa ‘kabit’ ni Gerald!

Manila, Philippines- llang may malasakit na Pilipinong naninirahan sa US ang nagpahatid ng balita kay Ai Ai de las Alas.

Ayon sa eksklusibong artikulo sa PEP, may nakakita raw sa estranged husband nitong si Gerald Sibayan sa isang Pinoy supermarket sa Union City, California–na may kasamang babae.

Believed to be Gerald’s mistress–na siyang ipinalit nito kay Ai Ai–matangkad, mahaba ang buhok at Chinita ang girl

Nangako ang mga concerned nating kababayan kay Ai Ai na sa susunod ay kukunan nila ng larawan ang girl nang buong-buo.

Pero obyus na hindi na natitigalgal si Ai Ai base sa reaksyon nito.

As in hindi na siya apektado anuman ang makarating na balita sa kanya about Gerald and his mistress.

“Closed chapter na ‘yon!” paniniyak niya sa PEP.

Sapat na raw na na-validate niya ang isang bagay na noo’y ayaw paniwalaan ng ilang taong pinagsabihan niya tungkol sa pagtataksil ni Gerald sa kanya.

“Tama na ‘yung nalaman at napatunayan ko na may iba siyang babae kaya niya ako iniwan!” dagdag ni Ai Ai.

Sa ngayon, hinihintay na lang ng Comedy Queen ang resulta ng ifinayl niyang diborsyo.

Matatandaang sa misnong 60th birthday ni Ai Ai on November 11 noong isang taon nang ipinagtapat niya in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda na hiwalay na sila ni Gerald.

Ayon kay Ai Ai, nasa US noon si Gerald habang narito siya sa bansa.

Sa pamamagitan daw ng Messenger nakipaghiwalay si Gerald sa kanya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here