Home METRO ‘Overloading, overselling’ ng tiket sa vessel patungong Romblon pinabulaanan ng PCG

‘Overloading, overselling’ ng tiket sa vessel patungong Romblon pinabulaanan ng PCG

MANILA, Philippines- Itinanggi ng Philippine Coast Guard (PCG) na overloaded ang barko na patungong Romblon na binanggit ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang linggo at lampas sa kapasidad ang pagbebenta ng mga tiket.

Sinabi ni PCG deputy spokesperson Commander Michael John Encina na ito ay lumabas sa isinagawa nilang imbestigasyon kasama ang Phlippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) ayon sa direktiba ni Transportation Secreteray Vince Dizon.

Paliwaag ni Encina, ang nasabing barko na sangkot ay umalis sa tamang oras at may natirang pasahero na hindi nakahabol sa biyahe na hindi rin naman nakabili ng ticket.

Noong nakaraang Martes, nag-isyu ng show cause order si Dizon laban sa Montenegro Shipping Lines, Inc. para sa hinihinalang overloading.

Bukod dito, inimbestigahan din ng DOTr ang umano’y pagbebenta ng ticket na lampas sa kapasidad.

Ipinag-utos din ni Dizon ang kompensasyon para sa mga apektadong mga pasahero sa nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden