Manila, Philippines – Sa kanyang Facebook account, naikuwento ni Ai Ai delas Alas ang tungkol sa pagpayat niya noon nang bonggang-bongga pero hindi raw naman healthy.
Ipinost ni Ai Ai ang mga litrato niya na kuha sa loob ng gym kung saan siya nagwo-workout, kalakip nito ang kanyang chika kung gaano siya kapayat noon.
“Feelingera lang hehe…mga gym goers ganyan, e, nag-selfie sila para makita nilang ang payat na nila.
“Ako selfie ako para shutanginames, nakita ko kung gaano ako tumaba pucha o hirap na hirap na katawang lupa ko haha,” ang bahagi ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.
Pagpapatuloy pa niya, “LORD help me pagod na pagod na ko… hehe ayoko naman uminom ng 7 days and wala na ata nu’n ngayon haha.
“Pucha payat talaga ko nu’n muntik naman ako maospital…hindi ako kumakain pineapple juice lang and tubig.
“Napakapayat ko nu’n ayun lang d naman healthy…ang takaw ko kasi ngayun aktwali matakaw naman talaga ko basically,” sey ng komedyana.
Sabi pa niya, nang maghiwalay sila ng dating mister na si Gerald Sibayan ay hindi siya nakakain sa loob ng dalawang linggo.
“Isang magandang naidulot ng iwanan blues, hindi ako nakakain ng mga 2 weeks from 118, nag-111 ako in 4 days.
“Pero ayoko na sumapi sa team sawi ok na kong mataba hehe, napakahirap nang dinanas ko ayaw ko na maulit,” aniya pa. Rommel Placente