Home METRO 4 kalaboso sa 3.4M ‘bato’

4 kalaboso sa 3.4M ‘bato’

MANILA, Philippines- Isang tawag mula sa isang concern citizen ang natanggap ng Montalban PNP na may nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa Brgy. Geronimo, Montalban, Rizal, alas-7 ng gabi.

Agad ikinasa ng Montalban PNP ang operasyon at tinukoy ang nasabing lugar at nasakote ang apat na suspek na sina alyas Jojie, 30, alyas Chacha, 20, pawang taga-Montalban, Rizal at alyas Jounsp, 39, taga-Baras, Rizal at alyas Dondon, 36 na taga-San Mateo, Rizal. Sila ay kakasuhan sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165.

Nagsagawa ng surveillance operation ang Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police gamit ang PDEA control number 10005-062025-0190 at buy-bust operation na may PDEA control number 10005-062025-0198, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na ebidensya: 1. limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu at limang (5) piraso ng knot-tied transparent plastic cellophane na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na lahat ay tinatayang may timbang na 500 gramo at may karaniwang presyo na P3,400,000; 2. buy-bust money na binubuo ng dalawang piraso (2pcs) ng genuine one thousand peso bill na may mga serial number na A9756131, YK189817 na may inisyal na JDM, JDM1 at sampung piraso (10pcs) ng isang libong pisong boodle money lahat ay may mga serial number na WB379038 na may inisyal na JDM11 hanggang JDM2; 3. tatlong libong piso (P3,000) ang nakumpiskang pera; 4. isang (1) sling bag; 5. isang (1) digital weighing scale.

Kasalukuyan nang nakaditine ang mga suspek sa Montalban Police at kahaharapin ang kasong sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165. Maritess Pumaras