Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may pangako kay Angelica!

Ai Ai, may pangako kay Angelica!

Manila, Philippines- Mother knows best.

Speaking from experience, ito ang nais ibahagi ni Ai Ai de las Alas kay Angelica Yulo para gumaan ang pakiramdam nito–as well as boost her morale–sa gitna ng kanilang ‘di pagkakaunawaan ng Olympian two-time gold medalist niyang anak na si Carlos.

Partikular na ang pagiging excessively in love ni Carlos sa kanyang nobyang si Chloe San Jose ang tinutumbok ng komedyana.

Ganoon din daw kasi si Ai Ai noon, may katigasan ang ulo at sumusuway sa kanyang ina–dahilan na rin kung bakit aniya’y “flop” ang lovelife niya before she married Gerald Sibayan.

Pasasaan din daw ba’t mare-realize din ni Carlos na ‘yun na nga–that the truism “Mother knows best” indeed holds water?

And to further allay Angelica’s stress, nangako si Ai Ai na tatangkilikin niya ang mga produktong ibinebenta nito online sa Facebook.

With the help of her other son Karl, napanood daw ng Comedy Queen ang online live selling ng mag-ina.

Ito’y kung saan Angelica and Karl did brisk business sa pagtitinda ng mga “branded” t-shirts at beauty products.

Aware din daw si Ai Ai na meron din itong tindang longganisa which she also promised to patronize.

Nag-post pa nga ng mga hashtags si Ai Ai na: @madamingmadami, @letsgomudrakels at @labanlang.

O, ayan, Angelica, mukhang mamamakyaw pa ng paninda mo si Ai Ai.

Kaya lang, huwag mo nang asahang makakabenta ka ng mga beauty products mo dahil Ai Ai is herself the CEO of a US-based cosmetics line.

Gusto mong “quits” kayo?

Umorder ka naman ng Martina’s bakery products niya! Her ube-cheese pandesal is highly recommended! Ronnie Carrasco III