Manila, Philippines- Hindi kailanman naging big deal para kay Lorna Tolentino kahit second choice pa siya sa pelikula.
Naulit na naman kasi kumbaga ang scenario after replacing Vilma Santos in the horror movie Espantaho.
Si Chito Roño ang direktor nito which had Ate Vi and Judy Ann Santos as the main cast members.
For some reason, hindi pumuwede ang Star for All Seasons at si Ms. LT nga ang pumalit.
Does LT mind? Answer: not at all.
Sa katunayan, in the past ay nakaranas na siyang maging second choice o panakip-butas.
For one, ang pelikulang Moral na idinirek ng yumaong Marilou Diaz-Abaya ay una munang inialok kay Amy Austria.
Kaso, hindi pumuwede si Amy kaya si Lorna ang ipinalit along with Sandy Andolong, etc.
Second choice din si Lorna in the movie Sinasamba Kita although hindi na raw niya maalala to whom the role bilang kapatid ni Vilma was offered.
Confident naman si Lorna na okey lang kay Ate Vi na siya ang pumalit dito, baka happy pa nga.
Kaya naman thankful si Ms. LT kay Vilma.
Produced by three film companies, Espantaho boasts of a powerhouse cast na ipinanalanging makahabol sa deadline para sa 50th Metro Manila Film Festival. Ronnie Carrasco III