Home ENTERTAINMENT Ai Ai, tukoy na ang kabit ng ex!

Ai Ai, tukoy na ang kabit ng ex!

created by Polish

Manila, Philippines- Ipinost ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa kanyang Facebook account ang mga nakarating na balita sa kanya tungkol sa pagchi-cheat ng ex-husband niya na si Gerald Sibayan.

Nag-post si Ai Ai ng piktyur na may paniking lumilipad papunta sa sementeryo sa kabilugan mg buwan. At doon ay may nakasulat na ganito, “No woman could love a cheater and not pay the price of it.”

Caption ni AiAi, “Hahaha ang balita nga naman kahit ako’y nananahimik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA.”

Ang tinutukoy na mistress na Pinay ni Ai Ai sa caption ay ang “babae” na maaaring ipinalit sa kanya ng mister niya na si Gerald.

Sa caption din ay ni-reveal ni Ai Ai ang mga nag-tsika sa kanya kung saan spotted ang pagpi-PDA ng ex-hubby niya na tinawag na “cheater” at nu’ng mistress noong March, 2024.

“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress nakahilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater ( wow sweet),” kadugtong ng caption ni Ai Ai sa kanyang FB post.

May nakakita rin daw sa dalawa na lovey-dovey nu’ng June, 2024.

Sabi sa last part ng caption ni Ai Ai, “JUNE 2024 … malapit sa jollibee ( malapit sa fremont yesss, iba din malapit pa sa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress ( wow sweet ulit).

“Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california. IDOL!!! GOAT!( greatest of all time )”

Hala. Julie Bonifacio