Home NATIONWIDE AI-aided child exploitation handang labanan ng Pilipinas

AI-aided child exploitation handang labanan ng Pilipinas

MANILA, Philippines – Siniguro ng inter-agency council na may batas ang Pilipinas upang labanan ang Artificial Intelligence (AI)-generated child sexual abuse at exploitation, ngunit iginiit na kailangan pa rin ang pagiging proactive upang maiwasan ang mga kriminal na makapambiktima ng mga batang Filipino.

Ayon kay Undersecretary Angelo Tapales ng Council for the Welfare of Children (CWC), bagama’t wala pang naitatalang kaso ng AI-related abuse batay sa rekord ng pulisya, nananatiling alerto ang konseho lalo na sa pagkalat ng kaparehong insidente sa ibang bansa.

Ang Pilipinas ay mayroong batas na tinatawag na Republic Act No. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) na layong bigyang-proteksyon ang bawat mga bata sa lahat ng uri ng sexual abuse at exploitation, lalo na ang mga naisagawa sa tulong ng information at communications technology.

Sinabi ng CWC na kabilang sa mga probisyon ng batas ay nagmamandato ng mabilis na imbestigasyon kasunod ng sumbong at reklamo, maging ang pagpasa ng ebidensya sa mga awtoridad.

Kailangan din ang mabilis na imbestigasyon ng mga kaso dahil sa agresibong “nature” ng krimen, at upang malabanan nang epektibo ang child exploitation.

Sa ilalim ng Section 27 ng batas, ang mga biktima ay bibigyan ng emergency shelter, counseling, pre-legal assistance, medical at psychological services, livelihood at skills training maging ang educational assistance.

Kabilang sa pinangangambahang maging bunga ng AI ay ang mga krimen laban sa mga bata katulad ng photorealistic images na kumakalat sa internet, na nagawa sa pamamagitan ng image editing software.

“Iyong mga tinatawag natin na mga AI generation tools whether it’s open source – available iyan sa internet or iyong binibili – at saka iyong mga tinatawag na image editing softwares ay ginagamit po ng masasamang tao para po talaga mag-create ng child sexual abuse and exploitation materials,” ani Tapales.

Ang mga ito ay naibebenta umano sa dark web.

“Tapos ang nangyayari riyan po, iyan po ay tini-trade or binibenta sa dark web. So, batay po sa mga pag-aaral po sa ibang bansa like – kunwari po sa United Kingdom, mayroon silang mga na-monitor na ganito and, of course, ang pangamba ho nila the realism is really incredible ‘no. So, photorealistic images daw po iyong talagang naki-create – talaga pong nakakabahala kaya po binabantayan po natin,” dagdag pa niya.

“For online sexual abuse po, usually it’s the parents, relatives or with person with close proximity with children talaga ang gumaganap, kasi po sila ang may opportunity; there is a wrong mentality that children’s should contribute to the income of the family, that’s why tingin nila okay lang mapiktyuran (picture) iyong mga bata, i-video ibenta iyan,” pagpapatuloy ni Tapales.

“Mayroon ding wrong mentality na hindi hinahawakan, hindi naman may ginagawa sa anak nila, so it’s okay iyong ang sabi nila ‘no. Of course, tinututulan po natin iyan, iyan po ay mali, iyan po ay nakaka-damage sa ating mga bata po, kaya dapat pong iwaksi.”

Anang CWC, nadiskubre nila ang bagong “species” ng potential violators sa pamamagitan ng teknolohiya.

“With AI OSEAC and CSAEM, iyong sinasabi ko dito, it’s not just fueled by poverty, under development, and hindi limited lang sa family ano. Iyong mga tao ho na hindi kayang humawak ng bata, but mayroon pong technical knowledge, may pera ring pambili ng hardware and software ay puwede po silang gumawa ng unlimited number of AI pictures at ibenta po nila sa dark web iyan,” ayon kay Tapales.

“So, it’s really alarming that’s why we have stumbled upon a new species of potential violators ano, kaya po talaga binabantayan po natin,” dagdag nito.

Ayon sa Philippine National Police-Women and Children Protection Center, mayroong 17,681 reported cases ng karahasan laban sa mga bata noong 2023, at ang top three violations dito ay may kinalaman sa
Child Abuse Law, kabilang ang rape at acts of lasciviousness.

Para naman sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata, mahigit 1,000 biktima ang iniulat. RNT/JGC

Previous articleMicroplastics nakita sa mga bangus sa Agusan
Next articleP2.4M natupok sa sunog sa shooting range sa Cebu