Home METRO P2.4M natupok sa sunog sa shooting range sa Cebu

P2.4M natupok sa sunog sa shooting range sa Cebu

MANILA, Philippines – Aabot sa P2.4 milyon ang halaga ng napinsala sa sunog na sumiklab sa shooting range sa Barangay Cogon Ramos sa Cebu City nitong Huwebes ng umaga, Pebrero 1.

Agad na rumesponde ang mga tauhan mula sa Cebu City Fire Station sa sunog na sumiklab sa 101 Centro Maximo Building sa Dionisio Jakosalem Street sa Barangay Cogon Ramos.

Sa report, nagsimula ang sunog alas-11 ng umaga at itinaas sa unang alarma pagsapit ng 11:04 ng umaga.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay itinaas ito sa ikalawang alarma at kalaunan ay idineklarang fire under control bago tuluyang naapula.

Wala namang nasaktan sa sunog ngunit naapektuhan ang 160 square meters ng shooting range.

Bagama’t nasunog ang ilang bahagi ng shooting range ay maswerteng hindi naman inabot ang mga baril at bala maging ang warehouse na nasa loob ng establisyimento na maaari pa sanang nagdulot ng mas matinding pinsala.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog sa shooting range. RNT/JGC

Previous articleAI-aided child exploitation handang labanan ng Pilipinas
Next articlePH farm sector lumago ng 1.2% noong 2023 – DA