Home NATIONWIDE Microplastics nakita sa mga bangus sa Agusan

Microplastics nakita sa mga bangus sa Agusan

MANILA, Philippines – Natuklasan sa pag-aaralan ng mga researcher mula sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) na may mga nakitang microplastics sa samples ng mga bangus mula sa Butuan City at Nasipit, Agusan del Norte.

Sa naturang pag-aaral, 29 sa 30 bangus samples ay mayroong lima hanggang 10 piraso ng microplastics.

“Butuan City is the regional capital. It has a higher population, has more industries and has economic activities resulting in higher waste generation. This may have led to the contamination of water,” paliwanagn ni Dr. Hernando Bacosa, MSU-IIT professor ng environmental science,

Iba’t ibang uri ng polymers ang nakita sa mga sample katulad ng polyethylene, polystyrene (styro), polyamide (nylon), at polypropylene (plastic bags). Ang mga ito ay karaniwang ginagamit ng mga tao araw-araw.

Ang mga nakitang microplastics ay may sukat na mas maliit pa sa 5 micrometers at hindi kayang makita sa pamamagitan ng mata.

Dahil dito, posibleng makain ito ng mga tao nang hindi nalalaman. RNT/JGC