Home NATIONWIDE AI at deepfakes, ipagbabawal ng Comelec

AI at deepfakes, ipagbabawal ng Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kukumbinsihin niya ang Commission en banc na ipagbawal sa kampanya ang paggamit ng deepfakes at AI (Artificial Intelligence).

Ayon kay Garcia, marami ang nalilito, misrepresentation at maraming hindi makatotohanang nangyayari kapag ginagamit ang AI.

“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi?” saad ni Garcia subalit aniya kailangan kapag kampanya ay nakikita ka mismo ng sambayanan.

Dahil dito, nais ni Garcia na mapakinggan ang saloobin ng en banc kaugnay sa isinusulong niyang pagbabawal sa paggamit ng AI at deepfakes sa nalalapit na kampanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden