Home NATIONWIDE Walang naarestong Pinoy sa fishing ban ng China sa WPS mula 2021...

Walang naarestong Pinoy sa fishing ban ng China sa WPS mula 2021 – Navy spox

MANILA, Philippines – Tila hindi naman seryosong ipinatutupad ng China ang fishing ban nito dahil wala pang naarestong Pinoy o iba pang claimants sa South China Sea, ayon sa Navy spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad.

“I have yet come across any report that it is implemented,” sinabi ni Trinidad kaugnay sa fishing ban ng China.

“I have not encountered any report [of arrest], not only Filipino fishermen but also other maritime Asean fishermen coming from Indonesia, Malaysia and Vietnam,” dagdag ni Trinidad.

Ang fishing ban sa South China Sea, na sumasakop sa malaking bahagi ng West Philippine Sea, ay nagsimula noong Mayo 1, 2024 at inaasahang tatagal hanggang Setyembre 16, 2024.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga mangingisdang Pinoy na lumayag sa West Philippine Sea sa kabila ng fishing ban. RNT/JGC