TAIWAN – Ang military drills ng China sa palibot ng Taiwan ay propaganda at pananakot lamang, ayon sa top security official ng Taiwan nitong Miyerkules, Mayo 29.
Sinabi ng China na isinagawa nito ang dalawang araw na war games bilang “punishment” sa inauguration speech ng bagong Presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te noong nakaraang linggo, kung saan sinabi nitong ang dalawang panig ng Taiwan Strait ay “not subordinate to each other,” kung saan tinignan ito ng China bilang deklarasyon na ang dalawa ay magkahiwalay na bansa.
Sa pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Taiwan National Security Bureau Director-General Tsai Ming-yen na hindi layon ng mga drill ng China na makipag-giyera.
“The purpose of the military exercises was to intimidate, not to start a war,” aniya.
Layon ng mga drill na ipakita sa external at domestic audience na ang Beijing “has absolute control over the situation in the Taiwan Strait”, dagdag ni Tsai.
Samantala, iginiit ni Fu Fenglian, spokesperson ng Taiwan Affairs Office ng China ang listahan ng mga reklamo tungkol kay Lai bilang mapanganib na tagasuporta ng formal independence ng Taiwan. Nagbanta ito ng patuloy na military activity ng China sa nasabing lugar.
“As Taiwan’s provocations for independence continue, the People’s Liberation Army’s actions to safeguard national sovereignty and territorial integrity continue.” RNT/JGC