MANILA, Philippines – Ipinakilala ng Department of Science and Technology (DOST) ang i-SULAT, isang AI-powered na software na binuo ng University of Santo Tomas upang matukoy ang maagang palatandaan ng mga neurological at cognitive disorder sa pagsusuri ng sulat-kamay ng mga bata.
Nakakatulong ito sa maagang edukasyon, rehabilitasyon ng stroke, at diagnosis ng mga kondisyon sa utak, lalo na sa mga lugar na kulang sa occupational therapy.
Tampok din ang Immersive Gamification Technology Systems (ImGTS) para sa rehabilitasyon ng cerebral palsy at Alzheimer’s, pati na ang HealthPH Project na gumagamit ng machine learning para subaybayan ang mga sakit sa paghinga.
Bahagi ito ng programa ng DOST para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa bansa. RNT