Home ENTERTAINMENT Aiko, nalasing sa vlog, may ini-splook!

Aiko, nalasing sa vlog, may ini-splook!

478
0

Manila, Philippines – Pinaghalong aliw at kilig ang hatid ng latest vlog ni Quezon City Councilor Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel.

Pagkatapos ng mahabang panahon, napapayag na niyang mag-guest ang 90’s matinee idol na si Onemig Bondoc. Noon lang din nalaman ng mga subscribers ng aktres-pulitiko na may matagal na silang pagkakaibigan—mga 29 taon na.

Pero ang masayang parte ay hindi lang sa tsikahan nila kundi sa game na Sagot o Lagot.

Ang Lagot, however, turned out na parang “Lagok” dahil sa mga tanong na hindi masasagot ni Onemig, kat Aiko ay mapupunta ang penalty. May nakahanda nang bote ng soju na may matching shot glass.

At sa unang pagkakataon, nalasing si Aiko sa kanyang sariling YT channel—nakapitong lagok siya!

Pero kung akala ng viewers na iyon na ang pinaka-“meat” ng interview, nagkamali sila. Doon nagkabistuhan na may “something” pala kina Aiko at Onemig na halos hindi alam ng fans nila.

Natanong kasi ni Aiko si Onemig kung may aktres na ba siyang nambasted, at ang sagot ni Onemig ay oo. Hindi niya mabanggit ang pangalan, kaya initials na lang—“ASM.”

Isang netizen sa comment section ang nag-reveal kung sino iyon: Aiko Shomoji Melendez. Na-reconfirm ito sa dulo ng interview nang mabangenge si Aiko, na inamin na hindi niya sinipot noon si Onemig, na naramdaman niyang na-basted.

Sa kasalukuyan, parehong single sina Aiko at Onemig… beke nemen.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here