Home NATIONWIDE AKAP ‘di kailangan ng referral – Gatchalian

AKAP ‘di kailangan ng referral – Gatchalian

242
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes, Marso 31 na walang referral na kailangan para ma-access ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) dahil tanging mga social worker lamang ang makakapagtukoy kung sino ang maaaring kuwalipikado para sa programa at ang kaukulang halaga ng tulong na ibibigay.

Nabatid sa isang panayam ng media sinagot ng DSWD chief ang isang katanungan hinggil sa mga hakbang na isinagawa ng Kagawaran upang maprotektahan ang AKAP mula sa paggamit ng mga pulitiko sa panahon ng kampanya.

Ayon kay Secretary Gatchalian, ang tanging desisyon para sa probisyon ng AKAP ay ginagawa ng DSWD na may mga kahilingan para sa tulong na maingat na tinasa ng mga social worker ng ahensya.

“Ina-assure namin na isang grupo lang ang pwedeng magtakda kung sino ang makakatanggap ng tulong pinansyal, yung isang grupo lang ang pwedeng mangako sa inyo, ‘yan yung mga social worker ng DSWD,” sabi ni Secretary Gatchalian.

Ang AKAP ay ibinibigay sa mga indibidwal sa mga sitwasyon ng krisis na kumikita ng mas mababa sa minimum na sahod.

Ang mga taong kwalipikado ay maaaring direktang pumunta sa DSWD office na pinakamalapit sa kanila dala ang kanilang mga identification card at mga patunay ng ‘pangangailangan’ tulad ng medical bills, death certificate, hospital promissory note at iba pa.

Paliwanag pa ng DSWD chief, hindi man lang pinapayagan ang mga pulitiko sa loob ng mga pay-out centers gaya ng nakasaad sa joint AKAP guidelines na binalangkas ng DSWD kasama ang National Economic Development Authority (NEDA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

“Sa mga guidelines natin, hindi lang sa AKAP kundi sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) nakalagay naman talaga na bawal ang ating mga kaibigang pulitiko na magtungo sa mga payout center. Ibig sabihin, hindi sila pwedeng nandoon habang nag pe-payout kami,” idiniin ni Secretary Gatchalian.

Umapela din ang DSWD chief sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga pulitikong naglalabas ng mga pangako gamit ang AKAP at iba pang programa ng Kagawaran. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here