Home NATIONWIDE Akbayan idineklara ng Comelec na wagi sa 2022 party list poll

Akbayan idineklara ng Comelec na wagi sa 2022 party list poll

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules ang Akbayan bilang nagwagi sa 2022 partylist race na may isang puwesto sa House of Representatives.

Inilabas ng National Board of Canvassers ang proklamasyon na may petsang Setyembre 25 matapos na panindigan ng Korte Suprema ang pagkansela sa pagpaparehisrto ng An Waray party-list na nag-iwan ng isang upuang bakante sa Kamara.

“We, the Chairman and Commissioners of the Commission on Elections, sitting En Banc as the National Board of Canvassers for the Party-List System in the Automated National and Local Elections of May 9, 2022, do hereby proclaim Akbayan Citizens Action party (Akbayan) as having obtained the required percentage of votes under the party-list system of representation to entitle its qualified nominee namely: Percival V. Cendaña,” sabi ng Comelec .

Dahil dito, uupo si Cendaña bilang miyembro ng Kamara hanggang Hunyo 30, 2025 gaya ng itinatadhana sa ilalim ng Seksyon 7, Artikulo 6 ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Ang pangulo ng Akbayan Party na si Rafaela David, sa isang pahayag, ay pinuri ang Comelec sa mabilis nitong desisyon sa usapin. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)