Home NATIONWIDE Higit 40K POGO workers na magiging tambay natukoy ng gobyerno

Higit 40K POGO workers na magiging tambay natukoy ng gobyerno

98
0

Nagsimula nang mag-profile ang pamahalaan sa mga manggagawa ng Philippine Offshore gaming Operators (POGOs) na mawawalan ng trabaho matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang total ban sa kanilang operasyon bago matapos ang taon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment director Patrick Patriwirawan Jr, na nakapag-profile na ang ahensya ng 27,747 sa 40,692 Filipino workers sa ilalim ng POGO industry base sa numero mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Sa huling ulat, nagpapakita na mayroong 19,754 mangaggawa na na-profile sa Metro Manila, 142 sa Region III o Central Luzon , 7387 sa Calabarzon at 14 sa Region VII o Central Visayas . Sila ay iniulat na may average pay na P16,000 hanggang P22,000.

Sinabi ni Patriwirawin na ang gobyerno ay mag-aalok ng employment facilitation services tula dng job matching at placements, at career development support para sa mga gusting mag-upskill sa pamamagitan ng mga ahensya tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang mga displaced workers ay maari ding kumuha ng entrepreneurship developemnts programs, kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng hanggang P30,000 bilang puhunan para sa mga gusting magsimula ng sariling negosyo.

Sinabi ni Patriwirawan na makikipag-ugnayan ang DOLE sa Department of Trade and Industry (DTI) para talakayin kung maa-absorb ng mga kasosyo sa industriya ang mga displaced na manggagawa, lalo na ang mga nasa larangan ng information technology-business process management (IT-BPM).

Nakatakdang magdaos ang DOLE ng specialized job fair para sa mga displaced workers sa susunod na buwan kung saan inaasahang lalahok ang 70 kumpanya, na kinasasangkutan ng IT-BPM, hospitality, tourism, general services, wholesale at retail industries. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here