Home NATIONWIDE Akbayan nanguna sa party-list race sa 2025 polls

Akbayan nanguna sa party-list race sa 2025 polls

182
0

MANILA, Philippines – Nanguna ang Akbayan sa karera ng mga party-list sa 2025 national and local elections.

Dahil dito ay tiyak na ang tatlong pwesto nito sa Kamara.

Ito ay kasabay ng pagtatapos ng canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list groups ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa national certificate of canvass, nakakuha ang Akbayan partylist ng 2,779,621 boto.

Sinundan ito ng Duterte Youth sa 2,338,564 boto at Tingog Partylist sa 1,822,708 boto.

Ikaapat na pwesto naman ang 4Ps partylist sa 1,469,571 at ACT-CIS sa ikalimang pwesto sa
1,239,930 boto.

Ang iba pang party-list na pasok sa top 15 ay:

Ako Bicol — 1,073,119
Uswag Ilonggo — 777,754
Solid North Partylist — 765,322
Trabaho — 709,283
CIBAC — 593,911
Malasakit @ Bayanihan — 580,100
Senior Citizens — 577,753
PPP — 575,762
ML — 547,949
FPJ Panday Bayanihan — 538,003

Hindi pa inilalabas ng Comelec ang seat-allocations para sa bawat party-list group. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here