MANILA, Philippines – Tila hindi pa rin matanggap ng dating senador ang kanyang
pagkatalo sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Caloocan City dahil sa patuloy nitong pag-iingay kahit tapos na ang midterm elections.
Ito ay matapos ilampaso ni Caloocan Mayor -Elect Along Malapitan si Antonio Trillanes kahit pa kilalang labindalawang taong nanungkulan bilang Senador.
Tinambakan ni Malapitan si Trillanes ng halos 120,000 na boto sa kanilang laban nitong nakaraan na eleksyon.
Bukod sa pagiging Senador at pagiging national figure, si Trillanes ay kilalang maingay sa mga isyung national at kritiko ng mga Duterte.
Bagamat kilalang pulitiko si Trillanes, hindi ito naging bentahe sa kanyang pagtakbo dahil na rin sa isyu na siya ay dayo lamang sa Caloocan City.
Ang kakulangan din ng proyekto sa lungsod noong siya ay Senador pa kung saan isang covered court lamang ang kanyang naipagawa.
Ito ang dahilan kung bakit nailampaso ni Malapitan si Trillanes sa katatapos lamang na 2025 midterm elections.
Naging madali ang kanilang kampanya hindi tulad sa mga nakaraang laban ng kanilang kampo.
Mga resibo ng serbisyo umano ang kanilang naging pambato sa kanilang kampanya nitong nakaraan.
Ngunit pagkatapos ng eleksyon, sa halip na tanggapin ang pagkatalo sa kanyang katunggali ay patuloy pa ring nag-iingay dahil panay pa rin ang paninira at patutsada ng mga troll nito sa social media kay Malapitan.
Sa social media, ipinapakalat na ang Caloocan ay poorest city ngunit ayon kay Malapitan, kumpara sa mga nagdaang mga panahon, ang lungsod ay napakarumi, magulo ngunit sa makakabangon na ngayon.
Taliwas ito sa akusayon ng kampo ni Trillanes na poorest city ang Caloocan ay nasa rank 11 ito ngayon sa pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas, ayon na rin sa COA.
Ang kaibahan umano ni Malapitan kay Trillanes, ang mayor ay nagtratrabaho na ng tahimik. Jocelyn Tabangcura-Domenden