Home NATIONWIDE Aktibidad ng Bulkang Taal muling tumaas

Aktibidad ng Bulkang Taal muling tumaas

May 15, 2024; Boston, Massachusetts, USA; Cleveland Cavaliers forward Marcus Morris Sr. (24) shoots against Boston Celtics guard Derrick White (9) in the second quarter during game five of the second round for the 2024 NBA playoffs at TD Garden. Mandatory Credit: David Butler II-USA TODAY Sports

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang PHIVOLCS ng kapansin-pansin na pagtaas sa seismic activity sa Bulkang Taal.

Ayon sa ahensya nitong Lunes, Mayo 5, naitala ang 71 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras.

Ang naturang mga volcanic earthquake ay sinabayan ng 11 volcanic tremors, na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto.

Ito ay kasunod ng 40 quakes at anim na tremors na naitala noong Mayo 3; 36 quakes at limang tremors noong Mayo 2; at 74 earthquakes at apat na tremors noong Mayo 1.

Noong Abril, nairehistro ang 283 volcanic earthquakes at 55 tremors sa bulkan.

Indikasyon ito ng nagpapatuloy na magmatic activity sa bulkan.

Sa kabila ng tumataas na seismic activity, nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

Samantala, sa pinakabagong update, iniulat ng PHIVOLCS ang katamtamang emission ng sulfur dioxide (SO₂), na nasa 1,200 metric tons.

Ang gas plume ay may taas na 1,200 metro mula sa main crater.

Wala namang naitalang volcanic smog (vog) o upwelling ng hot fluids sa main crater lake sa naturang monitoring period. RNT/JGC