Home NATIONWIDE Alamin: Ilang iskul, #WalangF2F classes sa transport strike

Alamin: Ilang iskul, #WalangF2F classes sa transport strike

142
0
(Danny Querubin)

MANILA, Philippines – Lilipat sa alternative learning modalities ang ilang unibersidad at paaralan ngayong Huwebes, Marso 26, at Biyernes, Marso 27 dahil sa dalawang araw na nationwide transport strike.

Sa University of the Philippines Diliman, hinikayat ang mga guro na magpatupad ng remote o asynchronous modes of learning, bagamat maaari pa rin silang magsagawa ng mga nakatakdang on-site activity kasabay ng konsultasyon sa mga estudyante. Sa University of the Philippines Manila, pinayuhan din ang mga guro na magpatupad ng synchronous o asynchronous learning.

Inanunsyo naman ng Polytechnic University of the Philippines na lilipat sa online modality ang mga klase sa lahat ng campus at academic extension programs nito, maging synchronous o asynchronous. Sa University of Sto. Tomas, ipatutupad ang enriched virtual mode of instruction sa Marso 26, habang flexible learning modalities naman ang gagamitin para sa undergraduate at graduate classes sa Tarlac State University.

Sa U.P. Integrated School, ililipat sa remote mode ang mga klase at maaaring idaos nang synchronously o asynchronously. Sa Adamson University, online ang mga klase sa Marso 26, 27, at 28, kabilang ang nasa Graduate Studies Program, maliban sa College of Law. Nag-anunsyo rin ang Centro Escolar University na online ang lahat ng klase.

Sa Laguna, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, at lilipat sa modular o online learning ang mga estudyante. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here