IRAN – Iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na wala umanong planong makipag-negosasyon ang Iran sa United States at magpapatuloy ito sa paglaban, taliwas sa pahayag ng White House na nagpapatuloy ang usapan ng magkabilang panig. Ginawa ni Araghchi ang pahayag sa state television matapos na matanggap ang 15-point US ceasefire plan.
“At present, our policy is the continuation of resistance”, ani Araghchi sa state TV. “We do not intend to negotiate — so far, no negotiations have taken place, and I believe our position is completely principled.”
“Speaking of negotiations now is an admission of defeat,” dagdag pa niya.
Nauna nang nagbabala ang White House ng mas matinding hakbang laban sa Iran kung hindi ito papayag sa isang peace deal. “Talks continue. They are productive,” ani Press Secretary Karoline Leavitt.
Ayon sa mga opisyal ng Pakistan, ipinarating ng Islamabad sa Tehran ang isang 15-point proposal ng US upang mapatigil ang bakbakan na nagsimula noong Pebrero 28 matapos ang US-Israeli attacks on Iran. Sinabi naman ni Leavitt na mayroong “elements of truth” sa mga ulat tungkol sa naturang panukala.
Sinabi ni Araghchi na naiparating na ang mga mungkahing ito sa mga senior official ng Iran, ngunit nilinaw niyang ang pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng mga friendly country o ilang indibidwal ay hindi maituturing na dialogue o negotiation. Aniya, nakalikha na rin ang Iran ng sarili nitong security guarantee batay sa paraan ng pakikipaglaban nito sa digmaan.
“In this war, we showed the world that no one can provoke the Islamic Republic, and in fact we created a security shield for ourselves so that the whole world understood that provoking the Islamic Republic and playing with our interests carries heavy consequences.” RNT