Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Local holidays para sa buwan ng Nobyembre, Disyembre

ALAMIN: Local holidays para sa buwan ng Nobyembre, Disyembre

MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Sabado, ang serye ng Presidential Proclamations na nagdedeklara ng special non-working holidays sa partikular na mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa para sa natitirang dalawang buwan ng taong 2024.

Ang listahan ng special non-working days na kasama sa ilalim ng iba’t ibang proklamasyon, ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pahintulot na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ang sumusunod: 

  • November 12, 2024 – Special (Non-Working) Day sa City of Valenzuela sa ilalim ng Proclamation No. 711

  • November 15, 2024 — Special (Non-working) Day sa Province of Oriental Mindoro sa ilalim ng Proclamation No. 712 

  • November 22, 2024 – Special (Non-working) Day sa City of Palayan, Province of Nueva Ecija sa ilalim ng Proclamation No. 713 

  • December 5, 2024 – Special (Non-working) Day sa City of Palayan, Province of Nueva Ecija sa ilalim ng Proclamation No. 714 

  • November 22, 2024 – Special (Non-working) Day sa Municipality of Itogon, Province of Benguet sa ilalim ng Proclamation No. 715

  • November 22, 2024 – Special (Non-working) Day sa Municipality of Tublay, Province of Bennet sa ilalim ng Proclamation No. 716

  • November 23, 2024 – Special (Non-working) Day sa Province of Bennet sa ilalim ng Proclamation No. 717

  • November 25, 2024 – Special (Non-working) Day sa Municipality of Marasugan, Province of Davao de Oro sa ilalim ng Proclamation No. 718

  • November 26, 2024 – Special (Non-working) Day sa City  of Dasmariñas, Province of Cavite sa ilalim ng Proclamation No. 719

  • November 28, 2024 – Special (Non-working) Day sa Province  of Sarangani sa ilalim ng Proclamation No. 720

  • November 28, 2024 – Special (Non-working) Day sa Municipality of Piñan, Province of Zamboanga del Norte sa ilalim ng Proclamation No. 721

  • November 8, 2024 – Special (Non-working) Day sa Municipality of Tanay, Province of Rizal sa ilalim ng Proclamation No. 725 

  • November 15, 2024 – Special (Non-working) Day sa City of Borongan, Province of Eastern Samar sa ilalim ng Proclamation No. 726 

Idineklara rin ng Pangulo ang ikalawang linggo ng Oktubre ng bawat taon bilang “National Myopia Consciousness Week” sa ilalim ng Proclamation No. 722.

Idineklara rin ng Pangulo ang ika-19 ng Oktubre ng bawat taon bilang “Transport Cooperative Day” sa ilalim ng Proclamation No. 723.

Ang buwan naman ng Disyembre sa kada taon ay idineklara bilang “Philippine Architecture Festival – National Architecture Month” sa ilalim ng Proclamation No. 724.

Matatandaang noong nakaraang Huwebes, ipinalabas ng Pangulo ang listahan ng mga regular holidays para sa taong 2025. Kris Jose