Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Mga daang isasara at alternatibong ruta sa ‘Araw ng Pasig’

ALAMIN: Mga daang isasara at alternatibong ruta sa ‘Araw ng Pasig’

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng abiso ang Pasig City Public Information Office para sa mga kalsadang isasara ngayong Martes, Hulyo 2, sa selebrasyon ng ika-451 anibersaryo ng lungsod.

Ang mga sumusunod na daan sa syudad ay isasara mula alas-6 ng umaga para bigyang-daan ang isasagawang civic parade na magsisimula sa Sta. Clara de Montefalco Parish at magtatapos sa Pasig City Hall Quadrangle.

Narito ang ilang alternatibong ruta na maaaring tahakin ng mga motorista:

Sa hiwalay na advisory, isasara ang magkabilang lane ng Caruncho Ave. at F. Manalo St. sa harap ng Pasig City Hall alas-5 ng hapon.

Narito ang alternatibong rerouting scheme ng Pasig sa panahon ng kaganapan:

Alinsunod sa pagdiriwang, magiging bukas sa publiko ang Mutya ng Pasig Mega Market.

Magdaraos din ng misa ang Pasig City sa Immaculate Conception Cathedral sa ganap na alas-3 ng hapon.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Hulyo 2, 2024 bilang isang espesyal na araw na walang pasok sa Lungsod ng Pasig. RNT