Home NATIONWIDE Alamin: Mga daang isasara sa NCR sa road reblocking at repair ng...

Alamin: Mga daang isasara sa NCR sa road reblocking at repair ng DPWH

MANILA, Philippines — Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repair sa ilang mga lansangan sa Metro Manila mula Mayo 24 hanggang Mayo 27.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, alas-11 ng gabi magsisimula ang pagsasaayos mula Biyernes, Mayo 24, hanggang 5 a.m. sa Lunes, Mayo 27.

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta,” sabi ng MMDA sa isang traffic advisory.

Nasa ibaba ang listahan ng mga kalsada kung saan magsasagawa ng reblocking at repair ang DPWH:

-Regalado Avenue Northbound (inner lane) papuntang North Caloocan, Quezon City
-G. Araneta Avenue, Mauban St. hanggang Sto. Domingo Avenue (1st lane mula sa gitna), Quezon City
-Congressional Avenue Ext. sa harap ng Game 7 Restaurant (truck lane), Quezon City
-Payatas Road Samar St. hanggang Leyte St. (outer lane), Quezon City
-⁠Commonwealth Avenue, Luzon Avenue hanggang Central Avenue (54th lane mula sa bangketa), Quezon City
-⁠North Avenue Northbound bago Senador Mirriam P. Defensor- Santiago Avenue (3rd lane mula sa bangketa), Quezon City
-Sto. Domingo Avenue, N.S. Amoranto kay Sct. Alcaraz (1st lane mula sa bangketa), Quezon City
-⁠Tandang Sora Avenue mula sa kanto Commonwealth Avenue hanggang pagkatapos ng Road 1, Quezon City
-⁠EDSA Southbound J.P. Rizal Avenue hanggang Orense sa pagitan ng Cloverleaf at Bernardino St., Makati City
-Fairview Avenue, Regalado hanggang Quirino Highway (4th lane mula sa bangketa), Quezon City
-Sa kahabaan ng EDSA Southbound malapit sa L. Woods St., Pasay City
-⁠Taft Avenue, Quirino Avenue hanggang MRT Baclaran (inner lane), Pasay City
-Pagkatapos ng Roxas Blvd. Southbound EDSA Flyover (2nd lane), Parañaque City

RNT