Home METRO Alamin: Mga kalsadang binaha sa Maynila sa magdamag na ulan

Alamin: Mga kalsadang binaha sa Maynila sa magdamag na ulan

326
0

MANILA, Philippines – Lubog na sa baha ang ilang bahagi ng pangunahing kalsada sa Maynila dahil sa patuloy na buhos ng ulan dulot ng habagat at low pressure area.

via Crismon Heramis

Partikular na binaha ang Roxas Blvd., loob ng Baseco Compound, at Taft Avenue.

Binaha rin ang kanto ng Leveriza at Quirino Avenue pero nadadaanan pa naman ng lahat ng uri ng sasakyan.

Sa Taft Avenue, mula Quirino hanggang makarating ng Kalaw, ay gutter-deep hanggang kalahati ng gulong ng sasakyan ang baha.

Gayundin sa bahagi ng Pedro Gil, habang ang paligid at loob ng Manila City Hall ay pinasok na rin ng tubig-baha.

Una nang kinansela ng lokal na pamahalaan ang pasok sa panghapon na klase base na rin sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kaligtasan ng mga estudyante, magulang, at mga guro.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here