Home NATIONWIDE US nagdonate ng P1.9-M kagamitan sa PCG

US nagdonate ng P1.9-M kagamitan sa PCG

237
0

MANILA, Philippines – Nag-donate ang Estados Unidos ng ₱1.9 milyon ($34,500) halaga ng kagamitan para sa Fleet Maintenance and Repair Group (MRG) workshop ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sangley Point, Cavite, ayon sa US Embassy nitong Biyernes.

Tinanggap ni PCG Fleet Commander Rear Admiral Rommel Supangan ang tulong bilang “isa na namang mahalagang hakbang” sa pagpapatibay ng kooperasyon para sa maritime security. “Ito ay isa pang mahalagang bahagi ng aming capability buildup,” aniya.

Ayon kay INL Director Kate Riche, makatutulong ang bagong kagamitan at backup power supply upang mas mapalawak ang repair program. Nangako rin siyang patuloy ang suporta ng US sa pangangailangan ng PCG sa vessel maintenance.

Nauna nang pinondohan ng US Department of Defense ang ₱54 milyon ($950,000) na pasilidad, habang ang INL ang nagdisenyo at naglagay ng kagamitan. Inaasahan pa ang dagdag na tulong ng US sa pamamagitan ng training, logistics planning, at karagdagang equipment donations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here