Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga kalsadang isasailalim sa road reblocking, repair ngayong weekend!

ALAMIN: Mga kalsadang isasailalim sa road reblocking, repair ngayong weekend!

MANILA, Philippines – Isasara ang ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend kasabay ng pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repair.

Ang mga sumusunod na kalsada ay isasara mula alas-11 ng gabi ng Pebrero 21, hanggang alas-5 ng umaga sa Pebrero 24:

1. C-3 Road (Westbound), sa pagitan ng Torsillo Street hanggang Navotas/Caloocan Bdry. (2nd lane mula sidewalk), Caloocan City

2. EDSA (Southbound), sa pagitan ng Zamora Steet at Taft Avenue, 2nd lane mula sa Inner lane, Pasay City

3. Gen. San Miguel (Westbound), sa pagitan ng Buklod ng Nayon Street hanggang Paz Street (1st lane mula sidewalk), Caloocan City

Inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta. RNT/JGC