Home NATIONWIDE JICA MMDA pumirma ng 3-year cooperation sa pagpapabuti ng Metro Manila traffic

JICA MMDA pumirma ng 3-year cooperation sa pagpapabuti ng Metro Manila traffic

MANILA, Philippines – Pumirma ng tatlong taong cooperation deal ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mapabuti ang traffic management sa Metro Manila.

Tinintahan sa MMDA headquarters sa Pasig City nina JICA Philippines chief representative Takema Sakamoto at MMDA chairman Romando Artes ang record of discussions para sa technical cooperation project (TCP) “Capacity Enhancement on Traffic Management with Improvement of Intelligent Transportation Systems (ITS) in Metro Manila.”

Sa ilalim nito, magtutulungan ang JICA at MMDA sa pagpapabuti ng traffic management, at pagpapakilala ng mas ligtas, mas mabilis at convenient movement ng mga tao at produkto sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng TCP, layon ng dalawang partido na mapabuti ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila sa pagpapalakas ng kapasidad ng MMDA sa traffic management at paggamit ng modernized intelligent transportation systems.

Sinabi ng JICA na magbibigay sila ng technical assistance para sa pagpapaunlad ng planning capacity para sa ITS development, pagpapaunlad ng ITS implementation kabilang ang pagbili ng mga kailangang kagamitan, at pagtatayo ng isang traffic data management system.

Ani Sakamoto, “JICA is pleased and enthusiastic to support MMDA to develop its capacity of traffic management by introducing ‘Japan Quality’ ITS measures.”

Ang kolaborasyong ito ay bahagi ng strategic Official Development Assistance (ODA) plan sa pagpapaunlad ng transportation system ng bansa. RNT/JGC