Home NATIONWIDE Lahar flow sa Mayon ibinabala sa shear line

Lahar flow sa Mayon ibinabala sa shear line

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PHIVOLCS nitong Biyernes, Pebrero 21 sa posibleng lahar flow mula sa Bulkang Mayon dahil sa inaasahang malalakas na ulan dulot ng shear line.

“Based on the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Advisory No. 10 issued at 11:00AM today, 21 February, 2025, a “shear line” weather system affecting Southern Luzon is predicted to cause continued potentially high-volume rainfall over Bicol Region. Heavy to intense rainfall is expected over the Albay Province in the coming days,” saad sa abiso ng PHIVOLCS.

“This can generate volcanic sediment flows or lahars, muddy streamflows or muddy run-off in rivers and drainage areas on the monitored active volcano,” dagdag ng ahensya.

Dahil dito ay pinaghahanda ang mga komunidad sa posibleng banta ng lahar flow.

Ipinunto rin ng ahensya na ang mahaba at malalakas na ulan ay maaaring magdulot ng post-eruption lahars sa major channels na nagmumula sa bulkan “by incorporating loose material from remnant PDC (pyroclastic density currents) deposits from the January-March 2018 and June-December 2023 eruptions.”

“The bulk of erodible PDC deposits occupy the watershed areas of the Mi-isi, Mabinit, Buyuan, Bonga and Basud Channels,” dagdag pa.

Maaaring mangyari ang lahar at sediment-laden streamflows sa Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Buyuan, Basud, at Bulawan Channels sa Albay. RNT/JGC