Home NATIONWIDE ‘Labeling’ sa kalabang kandidato, isang uri ng election offense – Comelec

‘Labeling’ sa kalabang kandidato, isang uri ng election offense – Comelec

MANILA, Philippines – Naglabas ng resolusyon ang Commission on Elections na nagdedeklara na ang paglalagay sa mga grupo at indibidwal bilang terorista, dissenters at kriminal na walang ebidensya ay isang election offense sa 2025 midterm national at local polls.

Sa Comelec Resolution 11116, nagbigay ng parehong gawain ng pambu-bully at diskriminasyon na sumasaklaw sa kasarian, etnisidad, edad, relihiyon at mga kapansanan, bukod sa iba pa.

Tinukoy ng poll body ang labeling bilang “the act of categorizing, classifying, labeling, branding, associating, naming, and accusing individuals, groups and/or organizations as ‘vocal dissenters’ and activists or subversive group sympathizers or terrorists, or belonging to a criminal group/syndicate without evidence.”

Ang mga gawaing ito ay maaaring gawin nang personal sa pamamagitan ng radyo o telebisyon, publikasyon sa pahayagan, internet at iba pang katulad na mga mediums.

Dagdag pa, nakasaad sa resolusyon na ang sinumang gagawa ng pambu-bully batay sa HIV status, pamimilit, diskriminasyon laban sa mga taong may kapansanan (PWD) sa paggamit ng mga pampublikong tirahan, gender-based harassment, labeling, pampublikong pangungutya laban sa mga PWD, paglabag sa anti-discrimination ordinance, at /o paglabag sa mga karapatan ng relihiyon, cultural sites at seremonya sa panahon ng election period ay dapat liable para sa election offense.

Ang election period ay mula Enero 12,2025 hanggang Hunyo 11, 2025.

Ang resolusyon ay inihayag noong Pebrero 19.

Sinabi ng Comelec na magkakabisa ang resolusyon sa ikapitong araw matapos itong mailathala sa dalawang dalawang daily newspapers ng general circulation sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden