Home OPINION PAGPAPALAKAS NG LABOR MARKET INFORMATION, ISINUSULONG NG DOLE KASAMA ANG IBA PANG...

PAGPAPALAKAS NG LABOR MARKET INFORMATION, ISINUSULONG NG DOLE KASAMA ANG IBA PANG BANSANG ASEAN

BINIGYANG-DIIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kahalagahan ng pagpapalakas ng labor market information systems (LMIS) upang matugunan ang kakulangan sa kasanayan sa gitna ng transisyon tungo sa green at digital eco­nomy ng ASEAN region.

Ito ang ipinahayag ni Employment and Human Resource Development Cluster Undersecretary Carmela I. Torres sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma, sa pagsisimula ng tatlong-araw na LMIS workshop ng ASEAN member states, international organizations, at development partners na ginanap noong Pebrero 11.

Pinangunahan ng Kagawaran ng Paggawa ang kaganapan, na nagpapatibay sa pangako nitong palakasin ang pag-unlad ng mga kasanayan tungo sa mas mahusay na kalidad ng trabaho at mas maraming oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino.

Ang inisyatibang ito ay alin­sunod sa layunin ng administras­yon ni Pangulong Ferdinand R. Mar­cos, Jr., na paghusayin ang la­kas-paggawa ng bansa na ma­katutulong sa paglago ng eko­nomiya.

Sinabi ni Undersecretary Torres na ang pagtugon sa kakula­ngan ng mga kasanayan, lalo na sa mga umuusbong at tumataas na pag-unlad ng mga sektor sa rehiyon ng ASEAN, “ay pinakamahalaga sa pagbubukas ng buong potensyal ng ekonomiya ng ating rehiyon at pagtiyak na ang ating matatag na lakas-paggawa ay ma­­katutulong sa tuloy-tuloy na pag-unlad.”

Mahalaga ang LMIS sa pagkolekta, pagbuo, at pagsusuri ng datos upang suportahan ang matalinong paggawa ng desisyon ng iba’t ibang stakeholder.

Makakatulong ang sistemang ito upang matukoy ang mga ka­salukuyang hindi pagkakatugma ng mga kasanayan, alamin ang mga kinakailangang kasanayan sa hinaharap, at maayos na koordinasyon ng mga stakeholder mula sa pampubliko at pribadong sektor.

“Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalidad ng mga datos, pagpapahusay sa koordinasyon ng stakeholder, at paggamit ng tek­nolohiya para sa mas mahusay na pagbabalangkas ng mga polisiya, ang [labor market information] system na ito ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng matatag na ekonomiya,” dagdag ni Undersecretary Torres.