MANILA, Philippines – Pagkatapos ng Kapistahan ng Quiapo, pinaghahandaan na rin ng Manila Police District (MPD) ang sabayang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino sa Tondo at sa Pandacan sa Maynila sa Linggo, Enero 19.
Kaugnay nito, naglabas na rin ng re-routing scheme ang MPD kaugnay sa nasabing pagdiriwang.
Ayon kay MPD PIO Chief Major Philipp Ines, mula alas-12:01 ng umaga ng Enero 18 ay sarado na ang ilang kalsada sa Pandacan at Tondo, District 1.
Sa Sto. Nino de Pandacan naman ay sarado ang mga susmusunod na kalsada:
-Jesus Street corner Pres.Quirino Avenue
-East Zamora St corner Pres.Quirno Avenue
-Labores St., cornerTomas Claudio Street
– Menandro Sreet corner Laura Street
– Beata Street corner Tomas Claudio Street
Pinayuhan ng MPD ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maaring dumaan sa:
-kaliwa sa Mabini Bridge hanggang sa destiansyon
-diretso patungong Mabini Bridge hanggng sa destinasyon
-kaliwa sa Pres.Quirnio Ave, northbound hanggang sa destinasyon
– kaliwa sa Pres.Quirino Avenue northbound hanggang sa destinasyon
– diretso sa Zamora intelink patungo sa kanilang patutunguhan.
Samantala, ang mga saradong kalsada naman sa Tondo na nasasakupan ng kapistahan ng Sto Nino ay sa bahagi ng kahabaan ng Zamora St., mula Moriones at hanggang Chacon St.
-kahabaan ng Sta.Maria st. mula Moriones St patungong Morga St.
-kahabaan ng J.Nolasco St., mula Morga St patungong Zamora St.
-kahabaan ng Morga S. mula J.Nolasco st patungong Juan Luna St
-kahabaan ng Ortega St mula Asuncion St patungong Soliman St.
-kahabaan ng Lakandula st. ,ula Asuncion St., patungong Llyala St
-kahaban ng Llyala St., mula Lakandula St., patungong CM Recto
– kahabaan ng Charon St. mula Cano St patungong N.Zamora St
– kahabaan ng Soliman St., mula Morga St patungong Ortega St/N.Zamora St.
Maari namang dumaan at kumanan ang lahat ng sasakyan na gagamit ng J. Nolasco St. na pupunta ng Tondo Church sa Morga St. diretso sa Tuazon St. patungong Wagas St., o kaliwa sa Asuncion St. hanggang CM Recto hanggang sa kanilang destinasyon.
Lahat ng sasakyan na galing sa Pritil na dadaan ng N. Zamora St. ay dapat kumaliwa sa Moriones St., hanggang Juan Luna patungo sa destinasyon.
Lahat naman ng sasakyan na dadaan ng CM Recto Ave/Asuncion St. ay dapat kumaliwa sa Lakandula St., hanggang sa kanilang destinasyon.
Ang kahabaan ng Wagas Street mula Zaragosa St. ay gagawin na lamang na one way patungong Moriones St.
Kahaban ng Kagitingan St. mula Moriones St. ay gagawin ding one-way patungong Zaragosa St.
Ayon sa MPD, ang aktwal na pagsasara at pagbubukas ng apektadong kalsada ay base sa aktwal na sitwasyon sa trapiko. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)