Home METRO Alamin: Saradong kalsada sa Caloocan sa pista ng Sto. Nino

Alamin: Saradong kalsada sa Caloocan sa pista ng Sto. Nino

 

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pagsasara ng mga kalsada at re-routing ng mga sasakyan para sa pista ng Sto. Niño sa Sabado, Enero 18.

Magsasara ang bahagi ng Congressional Road sa Barangay 173 simula alas-4:00 ng umaga.

Ang mga sasakyang mula Saranay, Bankers, o Shelter papunta sa Vicas, Urduja, o Novaliches ay kailangang dumaan sa Road 40, kumanan sa Road 3, kumanan ulit sa Road 45, at kumaliwa sa Congressional Road.

Samantala, ang mga motorista mula Vicas patungong Saranay, Bankers, o Shelter ay kailangang kumanan sa Road 45, kumaliwa sa Road 28, at kumanan sa Congressional Road.

Bubuksan ang lahat ng kalsada bandang ala-1:00 ng hapon.

Inaasahan ang mabigat na trapiko sa lugar kaya pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.