Home NATIONWIDE Pinoy workers wanted sa Finland; P100K sahod, pwede pa isama pamilya

Pinoy workers wanted sa Finland; P100K sahod, pwede pa isama pamilya

MANILA, Philippines – Maaaring mag-apply ang mga Pilipino sa Finland para sa trabaho kung saan maaaring kumita ng halos ₱100,000 kada buwan at may pagkakataong isama ang kanilang pamilya sa bansa.

Pinirmahan ng Finland at Pilipinas ang isang Joint Declaration of Intent (JDI) na nagbibigay-daan sa mga foreign worker na dalhin ang kanilang pamilya. Ang mga manggagawang may sapat na kita ay maaaring magdala ng asawa at anak, at tumutulong pa ang Finland sa paghahanap ng trabaho para sa asawa at sa pag-enroll ng mga bata sa eskwelahan.

Kailangan ng Finland ng mga skilled worker tulad ng hotel at tourism staff, restaurant personnel, IT professionals, at healthcare workers gaya ng nurse at caregiver.

Tinitiyak ng gobyerno ng Finland ang pantay na sahod para sa mga foreign worker, katulad ng mga lokal, na nasa €1,600 o higit ₱96,000 kada buwan, depende sa trabaho at industriya.

Kasama rin sa kasunduan ang pag-upskill ng mga Pilipinong healthcare worker para sa kanilang propesyonal na pag-unlad sa Finland.

Nagbabala naman ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa pekeng job offers online at hinihikayat ang publiko na suriin ang mga oportunidad sa pamamagitan ng DMW upang maiwasan ang illegal recruitment. RNT